The Claypot Existence

A vessel is molded from solid clay; its inner emptiness makes it useful

As I sit there, a double edged-word struck

Directing me to my past musings on pecuniary lack

I sit there, feeling the pain, less painful

Than the realization of a fool

Hurt by a brief intermission of poverty

That questioned my religion

And interjected my unbelief

The welcomed pain effectuated relief

Erasing my doubts and confusion

Borne by double-mindedness and trepidity

I sit there, covered by the hands that made me

Gazed at, by the loving eyes of the one who shaped me

I feel comforted, protected by his image

That no mind will interfere, no eyes will judge

This existence enveloped by his entirety

“Your success does not stem from the throne where you sit

It will come from the glory of the feat,

that molded your happiness

I, dwelling in your emptiness”

The double-edged word terminated improbability

Loving words dictating my heartbeat

Gracious speech ruling my seat

Proclaiming the sincerity of his word

Declaring the authority of his sword

Pointing me to the ground of possibility

Carefully pinning, hammering

Painfully thinking, creating

Patiently enduring, loving

The claypot’s existence

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Toyang Ermitanya

Ako si Toyang Ermitanya, nagapuyo ako sa isa ka kweba. Siling nila aswang ako, pero indi ina matuod. Siling pa gid sang iban, buang ako. Hehehehe! Pero layo ina sa patag.

Indi ako mahuyugon maglantaw tv, amo man sa politika. Pero mahuyugon ako sa mga istorya, kinadto man ukon bag-o.

Hehehehe. Sa pagsugod sang akon istorya…

One day, isa sadto ka adlaw…

(Ako si Toyang Ermitanya, nakatira ako sa isang kweba. Sabi nila, aswang ako, pero di yan totoo. Sabi pa nga ng iba, baliw ako, hehehehe. Pero malayo yan sa katotohanan. Hindi ako mahilig manood ng tv, ganun din tungkol sa politika. Pero mahilig ako sa mga kwento, sinauna man o bago. Hehehehe. Sisimulan ko na ang aking kwento ….One day, isang arawnoon

Masarap alalahanin ang mga hiligaynon na radio programs na madalas kong abangan noong bata pa ko. Para sa mga Ilonggo, malamang alam nyo ang Toyang Ermitanya na maririnig nyo kada alas tres ng hapon. Katuwa lang pakinggan. Ibang iba kase ang tono ng Hiligaynon. Parang kumakanta pa sa tenga ko ang bawat salitang lumalabas sa matandang si Toyang. Akala mo nakakatakot, yun pala komedi ang drama.

Araw araw non tumatakbo ako pauwi galing skul. Pano dapat maabutan ko ang Toyang. Pag uwi ko may mararatnan akong isang sakong mais galing sa baryo ng mga nagbobord sa bahay (Yan lang ang bayad nila sa pagtira sa bahay, kung di isang sakong mais, 3 sakong palay kada taon). Mag iihaw kami ng mais sa may garahe habang nakaandar ang radyo. Tapos sabay sabay kaming tatawa sa bawat climax ng mga jokes sa Toyang. Ang babaw nga lang talaga ng kaligayahan ko noon. Kasing babaw ng mga patawang naririnig sa radyo.

May isa pa. Panggising ko naman sa umaga. Johnny Tanggo kada alas singko ng madaling araw. Magsisimula eto sa saliw ng paso doble na Espana Cani… at magtatapos sa pagsigaw ng “Johnny Tanggo, ang dakilang tanga!” Sa komedyang ito nagmula ang mga kwento kong patawa noong bata pa ako. Madalas, ako ang taga deliver ng mga corny jokes kada tanghalian. Nais kong masilayan kahit saglit lang ang tawa at ngiti ng lola kong walang ginawa noon kundi maghanap ng masermonan buong araw.

Pag umuuwi naman ako para mananghalian sa bahay, drama pa rin ang dadatnan ko. Alas-onse. Naririnig ko sa bawat bahay na madaanan ko ang “Sin-o ang May Sala?” (Sino ang may Sala) Pagkatapos ng 30 minutos ay “Lain Sya Sa Iban” (Iba sya sa Lahat) naman.

Para makaalis ako sa bahay ng eksakto ala una ng hapon, “Tiya’y Ebelen” ang orasan ng aking tenga. Ito ay parang “Ate Helen” ng mga Ilonggo, sa radyo nga lang.

Kung medyo teen-ager ka at gusto mong mainlove, abangan mo ang “Dear Diary” na iniintroduce ng kanta ng Cascades na “Diary” pagkatapos ng nakakaubos ng hangin sa kakatawanan na Toyang.

At pagkatapos ng mga love affair na natututunan sa Dear Diary, wag munang patayin ang radio at paiiyakin ka ng mga nakakalungkot na istorya ng mga nakakulong sa “Provincial Jail”. Gustong gusto ko ang folk song na tinutugtog sa umpisa nito sa saliw ng gitara.

Masubo matuod ang dili angayan. Provincial Jail ang akon ginsudlan. Pader nagalibot sa kilid magtimbang. Rehas nga salsalon ang amon pwertahan.

Sadyang kaylungkot pag hindi nababagay.. Provincial jail ang aking napasukan. Pader na paikot, pantay sa magkabilang panig. Rehas na bakal ang aming pintuan.

Para naman sa mga tiyuhin kong that time eh mga binata pa, inaabangan nila ang maaksyong “Ang Pagbabalik ni.. Espaldon” na puro yapak, sipa at halinghing ng kabayo ang maririnig sabackground. Mesianic ang dating ni Espaldon. Palaging nasa tiyempo ang ginagawa nyang pagligtas sa mga taong nasa panganib at bingit ng kamatayan.

Hay.. kasabay ng mga alaalang ito ang mga panahong 2 pesos lang ang pinakamalaking baon ko sa skul. Ok na iyon. Makakabili na ako ng Mini- Mini Balls na piso, at Ice Pop na piso din. O di kaya ay banana cue at mango shake. Pwede ding nilagang mais at ice candy. Noong mga panahong yun di ako sinasali ng mga classmates ko sa mga larong kailangan ng tinik at tulin. Mahina ang motor skills ko. Di ko kayang paluin ang baseball, baleybol, at lalo na ang mabigat na basketbol. Parating ako ang nagpapatalo sa grupo namin sa patintero. Parating ako ang taya sa taguan, at sa Langit at Lupa. Madalas akong mahuli. Maliit ako, parating nasa unahan ng pila at ng mga nakahanay na desk sa classroom kapag by height ang seating arrangement. Pero ikinatutuwa ko ito. Mabilis akong mapansin. Palibasa dahil na rin sa di pangkaraniwang laki ng aking mga mata, at kalaparan ng aking noo. Madalas nila akong tawaging “Bukaw” (Kwago sa Tagalog) o di kaya ay Helipad. Hindi masama ang loob ko pag naaalala ko ang mga panahong yon. Panahong bumuo sa kung sino ako ngayon.

Ako na minulat sa lahat na ng klase ng katotohanan sa mga pamilya, lipunan, at bawat indibidwal. Ako na inukit ng mga librong diniscard mula sa mga US Libraries at tinago lang ng lola kong titser dati sa public school. Ako na mas natutong managalog sa mga Valentine Romances nina Nerissa Cabral, Gilda Olvidado, Loreta Baltazar at Helen Meriz. Nakakasampu ako ng tig dilawang pisong renta ng pocketbook sa tindahan ni Aling Edna. Ako, na natutong maghawak ng pera sa kakabantay ng maliit na tindahan ni lola simula Grade 1. Natuto ng Math sa pagbibilang ng mga shells na pinulot ko sa beach ng islang kinalakihan ni lola.

Ang mga paborito kong laro ay jackstone at sungka, pagguguhit ng pigura ng babae, paggagawa ng mga dulang may drawing, paggagwa ng mga kwento, pagkokopya ng lahat ng kanta ni Karen Carpenter at ng Apo Hiking Society, pagtatago ng mga kakaibang bato sa lupa at ipapahanap sa mga kalaro, at pagkukwento ng mga nakakatawa sa kung sino mang naaaliw makinig.

Ngunit mukhang nag-iba na ang dating ako. Nadagdagan.

Ang mga kwento ko ay may halo ng lungkot, galit, at saya. Ang mga patawa ko ay di na hango sa mga kwento ni Toyang atJohnny, mas natural na, dahil kahit hindi ako nagpapatawa, natatawa sila.

Hindi na ako naglalaro. Iba na ang mga hilig ko. Computer Games, Videoke, Internet. Hindi na ako gumagawa ng mga dulang may kasamang guhit, nag ba-blog na ako. Wala ng Toyang Ermitanya sa radio.

Kampanerang Kuba sa Dos naman ngayon ang hilig ko.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Oscitancy

You do it when you get so bored

And everyone around is inhaling air with their mouth wide open

You tend to follow, and slowly your eyes droop

Till they drop, and you jerked

You remember you are in the midst of the most boring

conversation on earth

You are in the middle of a lecture room

Everyone’s mumbling words hard to fathom

Everyone wears clouds at the backdrop

Your ears close, your rima oris wide open, your eyes shut

And then you hear your name

You suddenly remember what it means in your mind

Aren’t they calling the mechanical, artificial entity?

Why should that be you?

You went back to where you started

You found yourself still inhaling that sleepy air

You found out your eyes have been closed for a while

You opened your mouth to utter “yes?”

“Im happy to meet you, miss”

I’m talking to the handsomest person on earth

“Well, I’m happy too.. sorry I slept while sitting”

“No, I think you’re still dreaming”

Wah! Isn’t that wonderful? I hope I never wake up

“Mae, where is your output?”

“Oh my, Im waking up to get it..”

Mechanically, you walked out that room

Still oscillating, you want that dream back

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Hayop ang Dating

Medyo paambon ambon ng gabing ‘yon kaya hinayaan na muna syang maglamyerda sa Isabel. Paminsan minsan lang naman mangyari. Kung dati eh ayaw nyang maglakad sa basang kalsada, ngayon pwede na. Kahit ano kaya nyang indahin makita lang si Salome. Halos hindi na sya makakain sa kakaintay kung kelan sya pupuntahan sa may pintuan na tinatambayan nya. Ngayon, pagkakataon nya na. Tiyak ang mga hakbang na pinuntahan nya ang bahay na kinaroroonan ng babae.

Amigo: Salome?! Nasan ka?

Salome: Hindi ako makalabas sa bahay Amigo. Natataranta na si inay sa mga kapitbahay na nagrereklamo sa dugo kung kumakalat sa mga bakuran nila. Dito na lang daw ako magkalat sa loob.

Amigo: Eh bakit nung kelan lang panay naman ang labas mo? Bat ka napayagan nun?

Salome: Asar din nun si inay dahil sa dami ng mga manliligaw na umiihi sa pader namin. Pinalabas nya na lang ako pra sa kalsada na lang daw ako makipaglandian. Eh alam mo namang ikaw lang ang natatanging gusto ko Amigo. Wala ng iba.

Amigo: Alam ko Salome. Pati ako nahihirapan din. Di ko na nakakain ang mga masasarap na hinahain sa akin. Kahit subuan pa nila ako. Di ako makatulog sa kakaabang kung kelan mo ko pupuntahan. Hindi din ako matinag sa kakatingin lang sa direksiyon ng kinaroroonan mo Salome. Sadyang mahirap ang mga panahong alam mong may minamahal ka pero di pwede.

Salome: Nung pumunta ako na may kasamang lalake sa tapat nyo, hindi ako nakikipaglandian dun. Sadyang makulit yung hayop na lalakeng yun at ayaw akong tantanan. Sunod nang sunod, hindi na nga umuuwi sa bahay nila yun eh. MAtagal na nga siguro syang hinahanp ng amo nya.

Amigo: Bakit kase ang lakas ng kapangyarihan ng amoy mo Salome. Abot hanggang saan saang kanto. Palibhasa paminsan minsan lang yan mangyari. Kaya nga sinsamantala ko na din.

Salome: Ewan ko ba Amigo. Nanganak na ako’t lahat, madami pa ding lalakeng nahuhumaling sa akin.

Amigo: Sige Salome. Mukhang wala na rin naman akong mapapala sa yo at nakakulong ka. Hihintayin ko na lang na lumipas ang pagkalat ng amoy mo. Sa makalawa baka wala na yan. TInatawag na ko ng nanay ko. Ayokong mabato ng tsinelas dahil lang sa pag liliwaliw ko sa gabi at paghahanap sayo.

( Abangan ang susunod na kabanata…)

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Family business

If ever I get married, my hubby and I will have joint accounts, I should know his salary and take home pay so we'll know our resources and how to budget them properly.. but I wouldn't question him re his personal expenses.. I would provide a budget for each expense item, but I will not frequently inquire on how he is spending the budget alloted for himself to use..
I will not ask for his atm during pay days so I'll be the first one to get hold of his money before everything is subtracted. The moment I'll do that signals my not trusting his ways, and my looking for evidences of his unfaithfulness.
I have a dream... my husband is the leader of our home, he oversees everything, and I do the legwork: on those pettly little things that an overseer does not spend much time on. My husband is there to support me, and lead me..
We'll both stand as pillars of our home. We'll stand as individuals with different sets of accountabilities but our goals are congruent. And that means we don't digress to a different agenda. I guess, God will then be there in the midst of us.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

On Friendship

I just wonder about friendship—how it could mean to us at this age.
It seems like some are fond of putting hierarchical titles to their relationship and not really meaning it. It’s nice calling someone a friend you know, but this title has become like a commodity that can be bought anywhere, through texting, partying, bar-hopping, chatting, e-mailing, and what have you. The value of the commodity would depend upon the person’s status, money, beauty, influence, and intelligence. The higher the value, the greater the possession one has, and the more influential he/she becomes in acquiring more of the commodity (whether opportunistic as he is or unsuspecting as the others). He then feels a surge of power coming in as he connects to more networks of friendship. He feels he belongs and that he is a part of the workings of a whole. He feels special, wanted, and then he feels happy.
Why do so many fight for the title of a “friend”? What’s the difference between calling someone a “friend” and an “acquaintance”? Some might be feeling empty within them and are just trying to fill the void or insecurity they feel with the camaraderie, loyalty, and pride that most friendships promise to offer. But listen to some of their exchanges, as to how they would laugh about nothing and argue about anything that has most oftentimes been talked about, as they share their views about the most recent trends, which are not that important in terms of feeding our hearts with good things.

That’s why I don’t easily find a friend. They just suddenly enter my life sometimes, and before realizing it, they have become a friend to me. I believe them to be heaven’s sent, they belong to me when they’ve already become part of my life. If they are not for me, I have discovered that they, themselves, can leave so easily as they came.

I can count my friends with my fingers, and that’s not bad at all, for I am proud of them.

--for I seldom find people who can really listen even when I can’t find enough words to speak my mind. I seldom find people who can really talk about their heart’s content, who will laugh at my unprepared jokes, and make me laugh too. I know that I will not always find people who will offer their help even when I don’t ask for them, who can empathize with my tears, and cry for my mistakes. I also know that not everyone will stay to protect me from harm, and to defend me against insult when I am not there.

We are fed by the people we surround our lives with. I hope our problems are not caused by starvation for the real thing.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Patuloy Pa Rin

Ilang kandila pa ba ang matutunaw
Para masabing ika'y abot tanaw
Ilang umaga pa ang masisilayan
Ilang hatinggabing pag-aantay sa labasan
Ilang tulo ng pawis, ilan
Parehong nahihirapan
Datapwat patuloy pa rin
Ang pagtanaw sa kinabukasan
Na nangangako, at patuloy pa rin
Haharapin ang mga bukas na walang katiyakan
Kundi ang baong damdaming nag-liliyab
Habang sinusubok ng katagalan
Ng panahon, ang mga luhang tinago ng mga tawang naitapon sa hangin
Sapagkat patuloy pa rin ang magandang nasimulan
Habang tumatakbo ang panahon sa agos ng karanasan '
At patuloy pa rin, habang may hiningang
Magpapaikot sa ating mundo

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments