MAKING THINGS UP

So I've been here waiting for them to come out
heart heavy with tears waiting to pour out

I sit and try to appear calm as a cow
poor in spirit clamoring for courage
I don't know how

I sit and remember and try to ponder
how lonely life could be without company
but how much lonelier it could be
without love

I sit and gaze at the stars
and see how little I am
how little this problems in comparison
yet at this moment
I can only see the vastness of my limitations

Seeing a small light
moving across the dark space
projected a glimmer of passing hope
I prayed I be left alone
and wait for the clown
to cheer me up
I asked for a little more
and a little voice spoke
"Go where your life is celebrated
Ignore what puts you down"

-drafted March 22,2010

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

LAGRIMAS

Nagsimula na namang mamuo ang bato sa lalamunan mo. Di mo na alam ano ba dapat ang tamang pakiramdam. Hindi ka kasi pwede umiyak sa isang pampublikong lugar, at pag umiyak ka ng totoong buhos, masyadong halata.. Mahirap pahirin ang bahid ng luha sa mga namamaga mong mata kahit dumaan na ang gabi at nasikatan ka na ng araw. Pero mahirap din kasing kimkimin na lang. Masyadong masakit sa puso. Ang hinagpis o lungkot ay nagpupumiglas na magpakita sa anumang paraan. may mga taong di umiiyak kahit na namatayan na at lahat, pero lumalabas ang napagdaanang sakit sa nangungulubot na mukha at malalalim na mga matang tila iniwan ng  kinang ng kainosentehan. Ang mga iyakin ay kailangang umiyak kapag nasaktan, dahil kapag hindi nagkaron ng pagkakataong mailabas ang luha, ay parang nalulunod araw araw sa kumunoy ng pighati. Mahirap umahon at bumangon, at nagkakasakit.
Masakit nga naman ang bawat pagbabago, pero kailangan danasin, kung nais mong marating ang rurok ng pagkatao mo kung saan  wala ng magiging epekto sayo ang lahat, dahil binigyan ka na ng dunong para maunawaan ang ano mang mangyayari. At bilang tao, kailangan mo rin minsan maging matalim at matalas upang mahasa ang kapwa mo. Para maging matalas, kailangan mong malublub sa mala impyernong dalamhati at pagbabago. May mgandang naidudulot ang pag iyak, dahil sa bawat patak mo mahihinuhang hindi permanente ang buhay, o anumang bagay na sinasandalan at inaasahan mo. Luha ang maghuhugas ng dumi ng utak, at magpapananatiling dalisay sa puso, taliwas sa mga taong pinatigas  ang damdamin ng maraming karanasan, mabilis na tumanda na walang natutunang tama.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments